Mga tanong at sagot

Isa itong extension ng Safari. Puwede lang nitong i-block ang ads na nasa loob ng Safari, HINDI ang ads na nasa loob ng iba pang browser, app o laro. Kung posible, gamitin ang web na bersyon (ibig sabihin, buksan ang youtube.com gamit ang Safari).

Minsan hindi nari-reload ng Safari ang mga filter pagkatapos mag-update. Suriin kung naka-enable pa rin ang mga extension ng app sa Mga Setting, at saka i-force na i-restart ang Safari (mag-quit at buksan ulit).

Hindi. Ang App ay gumagamit ng opisyal na Content Blocking API ng Apple. Nagbibigay ito sa Safari ng listahan ng mga panuntunan sa pag-block nang walang anumang access sa iyong data ng pag-browse.

Nililimitahan ng Apple ang isang extension sa 50,000 panuntunan sa pag-block - gayunpaman, hindi ito sapat para sa modernong adblocker. Ang paghahati-hati sa 6 na extension ay nagbibigay-daan sa app na bigyan ang Safari ng hanggang 300,000 panuntunan.

Sa iOS/iPadOS, i-tap ang button na 'aA' sa kaliwang bahagi ng address at piliin ang 'I-off ang Content Blockers' para pansamantalang i-pause ang pag-block.
Sa menu ring iyon, puwede mong piliin ang 'Mga Setting ng Website' at i-disable ang 'Gamitin ang Content Blockers' para permanenteng i-disable ang pag-block.

Sa macOS, mag-right click sa button na i-refresh sa kanang bahagi ng address at piliin ang 'I-off ang Content Blockers' para pansamantalang i-pause ang pag-block. Mag-right click sa bahagi ng address at pilin ang 'Mga Setting ng Website' at i-disable ang 'I-enable ang Content Blockers' para permanenteng i-disable ang pag-block.

iOS/iPadOS:
I-tap ang 'aA' na pindutan sa kaliwa ng address field. Piliin ang 'Website Settings' at i-off ang 'Use Content Blockers'.
Para tingnan at pamahalaan ang listahan, pumunta sa Settings > Safari > Content Blockers.

macOS:
Mag-right click sa address field, piliin ang 'Website Settings', at tanggalin ang tsek sa 'Enable Content Blockers'.
Para tingnan at pamahalaan ang listahan, pumunta sa Safari > Preferences > Websites > Content Blockers.

1. Tiyaking naka-enable ang Adblock sa Mga Setting > Safari > Content Blockers (iOS) o Mga Kagustuhan sa Safari > Mga Extension (macOS).

2. Buksan ang Adblock Pro at i-enable ang mga inirerekomendang opsyon sa unang tab.

3. Suriin ang iyong whitelist at tingnan kung kasama ba ito sa na-unblock na website.

Kung hindi ito gumana, i-restart ang iyong device at ulitin ang mga hakbang sa itaas. Subukan sa maraming website, huwag sa isang page lang. Kung patuloy pa rin ang isyu, mangyaring ipaalam sa amin.

Tanging ang bersyon ng app na 6.5 o mas bago at sa iOS 13 o mas bago at sa macOS Catalina (10.15) o mas bago ang sinusuportahan ng pag-sync. Karaniwang aabutin ng isang minuto ang pag-sync para mag-propagate. Kapag mukhang huminto ang pag-sync, minsan naaayos ito sa pamamagitan ng pag-restart sa app.

Para madaling ma-adjust ang mga setting kada website, puwede mong idagdag ang action button ng app sa Safari. Sa OS/iPadOS, i-tap ang button na ibahagi sa Safari, ganap na mag-scroll pababa, i-tap ang 'I-edit ang Mga Pag-aksyon...' at saka idagdag ang AdBlock Pro sa listahan.

Ang JavaScript ay isang special languange na ginagamit para gawing interaktibo ang mga website. Gayunpaman, puwede itong gamitin para maglagay ng ads o i-track ka online. Ihihinto ng pag-off ang karamihan nito, pero maaari ring hindi gumana ang website.

Top